<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


my shadow

green


Nahuhulog
Kapit, nakakalula na
Wala nang masabitan
Lapit, nakapagtataka
Wala nang makapitan
Ako ay nahuhulog sa 'yo
Kapit, lumalayo ka ba
Hindi ko na masabi
Hapit, tumutulin yata
Baka ano mangyari
Ako ay nahuhulog sa 'yo
Unti-unting bumibilis
Mga kamay namamawis
Nauubusan ng lakas
Paano kaya maliligtas

Unaffected
So what should i do
Just lay next to you
As though i'm unaffected
And who should i be
When they're judging me
As though i'm unaffected?

I think God Can Explain
It's alright, I'm O.K.
I think God can explain
I believe I'm the same
I get caried away
It's alright, I'm O.K.
I think God can explain
I'm relieved I'm relaxed
I'll get over it yet

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Friday, December 23, 2005
Removing Spider Webs

IT took me so LONG, oh no that's not right, it took me AGES to get back writing on this space again. Well it seems that I should at least add another one before this year ends.

I got loads of stories to tell, so much memories, daming happenings, dameng work, dameng puyat, dameng gutom, dameng inaanak, dameng regalo at naubos na money ko. Wahh!!

Press Alt + Left Arrow Key. Flashback.

Concise thoughts and memories for the pass 2 months.

November Issue -

 I joined the Badminton Tournament of the company and without surprise, we flunk! Flat out! Totally eaten alive by other competitors. I used to make excuses for not winning even a single game but I know that we're not good enough to match their level of experience in playing badminton. The heck, I only started playing full circle around September. But as for every defeat there's always a lesson and experience to gain. Di bale may next tournament pa naman na pedeng salihan. For now, I'll just keep on practicing my strokes while having fun with my friends and new badminton buddies.  Still no sign of her.

December Issue -

 It's always a challenge to find good, applicable and affordable gifts para sa mga inaanak tuwing pasko. But if you're patient enough to endure traffic, mosh pit, endless tawaran, straining your eyes, the smell, countless footsteps to take, circling round and round till your feet hurts you will surely find a perfect, well not as perfect but the great gifts for everyone. I've been to  Divisoria (one-stop shop), Greenhills (not so one-stop shop), Crossing, SM malls and other tiangge that caught my attention with their items on sale. When I try to buy gifts, I have a mindset of category of what kind of gift will I buy. Educational, Sports, and Clothing. I don't want to buy gifts for kids that would enduce violence to their young minds. Hehehe. Korni ba? Ayun ang gusto ko e bakit ba. Hehehe. Masaya naman yung mga bata na nireregaluhan ko kasi nagugustuhan naman nila ung nabili ko.

 Nag-join ako ng Volleyball tournament together with some other co-workers here sa work area namen. At nagkaron kami ng clinic para sameng di marurunong, to refresh the basics and new rules kasi it's been ages since na nakapaglaro ako ng matino at seryosong volleyball game. Kaya ayun after nung clinic na yun masakit ang katawan, may pasa sa braso, di makababa ng mabilis sa hagdanan, at parang may mga namumuong dugo sa braso. Hehehe. Di ako masyadong mahilig sa sports noh? Hehehe.

 This year, I was one of the organizers of our work area Christmas Party. Well, it's hard to mix your "work" and real work. So what I did was try  finish as many real work in a day and after working hours I and other organizers will stay up late to do "work". It's also hard to choose items for giveaways especially if your only have a limited budget. Napagtanto ko na mahirap maghanap ng panlalaki at pambabae, kelangan laging seperate ang design. Kasi di lahat ng bagay ay magwowork for the boys and vice-versa. In the end, after all the hard work and almost sleepless nights cutting, measuring, pagdidikit and pagbubutas at pagbili ng kung anek anek sa mall, natapos din namen the day before the actual party. Tapos nung pinamigay at pinanuod na yung mga ginawa namen, I was really happy, kasi na-aappreciate nila yung mga pinaghirapan namen. Dun palang ayos na yung gabing 'yon. More than the gift that I received plus the moments of the party with friends and co-workers.

 The company's Christmas party was OK, not so much for the food but for the entertainment because Hale and Bamboo performed. Hale was pretty much better than the last time I saw them performed live. Bamboo, well, what can I say, surely rock and brought the house down, not literally though.

 Its Christmas! Para sa lahat po ng bumati at nag-regalo sakin this Christmas.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
 
Press F5. Refresh.


Posted at 06:49 pm by JetLogs
Poke my little bone her (1)  

Tuesday, October 04, 2005
BS: Bowling

After that badminton experience with my newly acquainted friends, the group have planned the next sport activity: Bowling.
Oh well, medyo matagal tagal na din akong di nakakapaglaro kaya sumama ako. I have to admit that I know 'how' to play it but not a professional or even an amateur type bowler. I just know some basics and that's it!

Napagkasunduan na sa StarMall kami maglalaro kasi mas maagang nagsasara ang bowling center ng SM Megamall at saka mas malapit sa sakayan pauwi. Nagpareserve kami ng 2 lanes, mga bandang alas-8 ng gabi ang start namin. Ang di ko naintindihan e, nakareserve kami pero nasa waiting list daw kami. Ewan ko kung ako lang ang di nakakaintindi ha, o sadyang ganito na talaga ang mundo. Hehehe. Naalala ko tuloy ung isang kaibigan ko na nagtuturo sa PUP dati, pag tinatanong namin siya kung anong status nya sa pagtuturo e ang sagot nya e, "Part time/Full time teacher ako". Magulo ba? Hayaan na natin yan kung yan ang gusto nila. Hehehe.

May mga nauna na sa grupo namin dun para i-check yung 'reservation' namin. Medyo na-late kami ng konti dahil galing sa work at trapik (as usual) sa EdSa. Pagdating namin dun e, ang inaasahan ko e makakapaglaro na kami agad. Kung totoo lang ang kasabihan na maraming namamatay sa maling akala e, malamang di ko na maisusulat 'to, kasi sandamukal na tao ang naglalaro! Puno lahat ng lanes! Malakas ang sigawan at tilian! Karamihan sa mga naglalaro e mga babae. Bata, dalaga at mga may asawa na. Nagkasya lang muna kami sa panunuod sa kanila. At paminsan-minsang natatawa, napapangiti at napapabilib dahil sa galing nilang tumira.

After a not so minimal wait over the bleachers, hehehe, mag-start na din kami. Medyo nangangawit na nga din yung leeg ku kakatingin sa kaliwa tingin sa kanan dahil pinapanuod ko ung mga naglalaro. Pero siyempre, need muna magpalit ng bowling shoes. Ang kulit nga ng mga sizes ng sapatos dun, pinagkumpara namin ung mga sizes, biruin mu mas malaki pa ung size 5 sa size 7! Parang naging pick your own shoe size from the shoe store tuloy ang nangyari kasi di naman pare-parehas ang sukat kahit nakasulat na sa likod ng sapatos yung size.

Let the games begin...4 Boys versus 4 Girls... Eherm... 4 ba talaga kami?! Pish tayo Edong! Hehehe.
Ako, si Bryan also known as Congressman that night, Rey the 'V-apprentice' and Edong with his pilantik fingers. Encar and Virra, the 'wag mong karirin' tandem, Ate Dianne and the new girl popularly known as Jazz. The 'GuadalCanals'. Tama ba?

Ako yung unang titira at the right lane. It's a good feeling standing on a bit slippery lane, feeling like you could do the 'Moonwalk' by MichaelJackson, with 10 pcs of white/red slightly Coke figure-looking things standing at the end of the long lane, waiting for you to strike/spare them, on the right spot! I usually get the number 11 bowling ball, but it's always good to get a lower weight ball first before using the heavier ones. Saka matagal tagal na din ako di naglalaro kaya kelangan i-refresh ko pa ung bowling instincts ko, kung meron man. Hehehe. I used the 9pounds (tama ba ang weight?) ball, as expected, it went wide, hitting nothing but air (No! Don't think that I made the ball fly eight 8ft above the ground. Na-kanal lang in short! Hehehe.) Welcome back to the bowling world! Hehehe.

I've watched the others play after my turn as they violently complain bakit daw nakakanal yung mga tira nila. Congressman oftenly advice us to go this way or that way so we can hit the pins or just maintain a straight shot and not getting our ball at the side, because majority of us have their shots landing at that gray hallow sidelane. Hehehe. Si ate dianne at si jazz ang mga alamat sa pagpunta ng mga bola sa kanal. Hehehe. Kaya sila tinaguriang 'GuadalCanals'! Makikita sa mukha ni Ate Dianne ang panghihinayang sa p75 pesos na ibabayad nya sa paglalaro ng hindi man lang pinapahirapan ang nagtatayo ng mga pins (automatic nga pala 'yon!). Hehehe. Si Jazz (ate Jazz ba?) naman e usually covers her face with her hair pag nakakanal ang tira nya, di ko alam kung nahihiya ba siya o tine-test nya kung mahaba na ang hair nya para maging Sadako look! Hehehe. Si Encar naman e ganon din, panay ang kantyaw sakin na wag ko daw kareerin. Si Virra e isang silent driller, malakas tumira, parang praktisado. Hehehe. Si congressman naman e walang take-off, titira siya dun na sa may foul line, kaya pag tinitignan mo siya e parang sasama na yung katawan n'ya pag bibitawan nya na ung bola. Si Rey the apprentice e malakas din tumira, siya lang ang gumagamit ng number 12 o 13 ata na bola dahil sa laki ng braso nya. Si Edong naman eh, nahirapan sa simula pero nung sumunod e nakaka-strike na din, siguro dahil natutunan nya na kung pano ipilantik ung mga daliri nya habang hawak yung bola. Hehehe. Natapos na yung first sheet namin ng laro. Nagkakantiyawan na mag-isang round pa dahil nag-enjoy naman kami sa paglalaro at siguro sa hangarin na rin ng girls na matalo kami at maka-iskor naman sila ng mas mataas! Hehehe. Puro kasi kanal eh! At di sila nagkamali na maglaro pa ulit dahil ang mga girls eh nakaka-strike at spare na! May mga X na sila! Astig! Bihira na din ma-kanal, eherm tama ba Ate Dianne? Hehehe. Ms. GuadalCanal.

Nasa loob ng StarMall yung Puyat Sports Center kung san kami naglaro, kaya nagulat kami kasi patay na yung mga ilaw sa baba, naka-lock na yung mga pinto ng mall at di naman alam kung san at pano lalabas dahil pare-parehas naming di alam kung san ang exit. Buti nalang at may mga tao pa sa loob maliban samin na pauwi na rin, sinundan namin sila at ayun nakalabas kami ng buhay! Hehehe. Nauna nang umuwi si Jazz dala ang kanyang Honda (Honda Jazz) hehehe. Di ko alam kung anong meron sa Chowking pero dun na naman ulit kami kumain nung gabing yun dahil pare-parehas na kaming gutom. Umorder, kumain at ang mga girls e nagkakandahaba ang leeg dahil meron atang 'papa-ble' na nakita. Hahaha. Di kayo masyadong obvious, slight lang. Hahaha. Uwian, as usual, Encar go that way and the rest go the other way! Hehehe.

Wala pang balita tungkol sa susunod na sport activity. Fencing kaya?! Archery?! Hehehe.


Posted at 12:00 am by JetLogs
Poke my little bone here  

Thursday, September 29, 2005
Unang Bahagi: Barkadahang Sports

Ang mga sumusunod na kaganapan ay nangyari sa pagitan ng 8pm-1am.

Uwian time... 7 ng gabi ang usapan na alis papuntang BluRackets badminton court. Di pa ako nakakapaglaro dun kaya di ako sure kung pano papunta dun, pero sure ako na nadaanan ko na siya. Kaya nagtanong tanong din ako kung san yun. Si Virra ang nag-invite saken na sumama sa paglalaro ng badminton. Ang akala ko team building nila yun at kelangan lang ng makakalaro kasi kulang daw sila sa players. Wala daw gastos kaya sumama na din ako. Hehehe basta libre!

Wala pa din akong idea kung sino yung mga ka-team ni Virra at Rey na makaksama namin sa paglalaro. Umalis kami ng opis at sumakay ng jeep papuntang BluRackets. Hehehe pare-parehas kaming walang alam kung san talaga yun. Tapos bumaba kami ng kanto ng Chino Roces Ave, at nagsimulang maglakad pakaliwa. Sabi ko sa kanila e ang hula ko e malapit lang yun sa McDo. Naka-tatlong kanto na kami pagkatapos ng McDo eh wala pa ding BluRackets na lumilitaw, nakatakong pa naman na sapatos si Virra! hehehe. ParusA! Nag-aalala na rin ako na baka maling kanto 'tong tinatahak namen, sinasabi ko nalang sa kanila na malapit na...Hehehe kahit di ako sure na malapit na nga.

Matagal tagal din bago namin narating 'yung BluRackets, obvious na yung place kasi kulay blue siya at may mga drawing pa ng raketa kaya sure ako na un na talaga! Hehehe. Nagkahiyaan pa kaming tatlo na pumasok kasi first time din namen pumunta dun. Hehehe. Marami ng naglalaro pero nung tinanong ko kung anong oras yung libre laro na sponsor ng kompanya e alas-8 pa daw. Nagpalit na ako ng damit at nagmasid-masid ng mga naglalaro, karamihan e mga old ladies/mommies nung time na yun. Medyo mainit sa loob, walang exhaust at kulob yung place, pero impyerness kelangan non-marking shoes ang gamit mo kasi kakaiba yung sahig nung court. Hehehe.

Umalis 'yung mga oldies na naglalaro sa isang court pero meron pa silang 30minutes na natitira so ipinamigay na nila yung playing time sa iba, inaya ako nung isang misis na maglaro at tinanong kung anong level ako sa paglalaro ng badminton, sagot ko naman eh 'beginner lang po ako' at nagyaya pa siya ng ibang maglalaro para 2-2 kame. Kakampi ko e isang girl, nagpakilala saken at parehas pala kami ng kompanya na pinapasukan. Biruin mu yun, what a co-accident! Hehehe! Naglaro na kami at di ko na namalayan na dumating na pala 'yung mga ka-berks ni Virra, wala pa akong idea kung sino sino sila at kung ano ang mga itsura nila kaya nagpatuloy lang ako sa paglalaro. Natapos na yung first game ko, mas dumami na yung tao, kilala ko yung isa kasi kasing-irog yun nung isang kasamahan ko sa opisina. Hehehe. Naupo lang muna ako at nanunuod ng ibang naglalaro. Maraming magagaling at malalakas pumalo.

Naglalaro na 'yung ibang frends ni Virra, di ko pa rin sila kilala. Pero di nagtagal e nakilala ko din sila dahil sa kantyaw at tawag sa mga pangalan nila. Napansin ko lang na merong isang lalaki na hypher kung tumira, as in parang hayok sa shuttlecock eh! Yun pala si Ian with the long hair. Kakampi n'ya e isang matangkad na lalaki medyo payat at medyo mapilantik ang mga daliri, sya pla si Edong. Ang kalaban nila e tinatawag nilang Bryan, chickboy. Hehehe. Kakampi nya e si Virra. Dun sa sideline merong isang babae na panay ang sigaw at kantyaw/lait kayna Bryan, Edong, Ian at paminsan minsan e nilalaglag nya din si Virra. Malamang barkada din 'to ni Virra kasi di naman niya aasarin ng ganon ung iba kung di nila kilala 'to. Hehehe. Di naman siya katangkaran pero ang lakas ng boses! Kakaiba! Ang palayaw nya e Encar. Ang huli kong nalaman na pangalan e si Dianne, ang shy-type, sabi nila e malabo daw ang mata nito kasi di na daw nya makita yung shuttlecock pag masyado ng mataas. Hehehe. Naka-team ko si Virra at si Encar at sa mga panahon na inilagi ko sa paglalaro ng badminton ay walang nakatalo sa'min dahil sa lakas mang-asar nitong dalawa. Hehehe. Pero nakakatawa naman kasi kung ano anong pang-asar ang sinasabi nila. Nagextend pa kami hanggang 11 ng gabi dahil mukhang nabitin pa ang mga kasama ko dahil di rin namin nasolo yung court dahil salit-salitan ang paggamit ng court.

Nalaman nalang naming tapos na 'yung time namin dahil namatay/pinatay na ung ilaw dun sa court namen. Bastusan! Wala man lang nagsabi na 'Sir/Mam time na po!' di naman kami papalag at makikipag-away na wala pang time e. Anong klase yun?! Magpapatayo nalang nga ako ng sarili kong court! Pagkatapos magbihis at maglinis ng konti ng katawan e nagpasya kaming kumain nalang. Habang naglalakad e tinutukso nila si Brayan na manlibre dahil birthday nya ata nung nakaraang araw, ewan ko kung totoo. Tumuloy kami sa malapit sa chowking, umuwi ni si Ian (dahil ata masama ang loob dahil sa pang-aasar ni Encar) at hanggang duon ay di nila tinantanan si Bryan na manlibre. Hehehe. At dahil na rin sa kakapilit, binulaga nya kami ng apat na set ng siomai, kahit na ung mga order namen ay may kasama ng siomai. Ewan ko lang kung paborito nya ba'yun o ano. Nagkwentuhan at asaran pa rin hanggang dun hanggang sa maramdaman na ng iba na sumasakit na ang tyan nila, ewan kung dahil ba sa hindi bukal sa loob ni bryan ang libre nyang sandamukal na siomai! Sabay sabaw na kaming umuwi tutal sa Crossing din naman pala ang point of intersection ng mga bahay bahay namin... hehehe. Nung nasa bus na eh, di mapigilan ni Bryan na sabihin na nasa large intestines nya na daw yung mga siomai na kinain nya kanina at malapit ng lumabas. Panay din ang text nya sa Nanay nya na wari ba'y binibilin na ihanda na ang tubig sa banyo. Hehehe! Bumaba na kami at nagpaalamanan. Umuwi sa mga kanya kanyang tahanan. Madaling araw na, tulog na ang mga kasama ko sa bahay. Maingat akong umakyat at inihimbing ang pagal kong katawan. Saglit na tumingin sa kisame. Nakakapagod pero masaya. Dilim.


Author's note:
Sa mga bago kong kakilala - Bryan, Encar, Dianne, Edong, Ian, Rey at pati na rin kay Virra - SALAMAT ng marami sa isang di malilimutang gabi! Nadagdagan na naman ang mauutangan ku! Yahuu! Hehehehe. Salamat at sa susunod na gimik na pampalakasan!


Posted at 01:00 am by JetLogs
Poke my little bone here  

Hang-over...

I came home around 10 in the evening, tired from day's work. Issues still looming in my head, peste! Bukas ko nalang isipin yan! Hehehe. I solemnly ate my dinner while glancing at a television show. Then I decided to lie down and rest.
I thought to myself that this would be one of those nights that I can sleep early. But I was wrong!!! So wrong that it hurts my entire body afterwards!

Familiar voices echoes from outside our 'hobbit house', dumungaw ako and surpised to see that my old college buddies were there shouting my name 'Moyyyy...Jeeeet...Tao po...'. Pinapababa nila ako may sasabihin daw saken, I already have a hint to where this talk could lead to. Oh well, kamustahan tsutsu, tapos tinanong nila 'Anong oras pasok mo bukas?', 'Alas-otso ng umaga dude' ang sagot ko. Tapos yun na, di naman sinabi diretso kung ano ang gagawin pero alam ko na yun ang mangyayari kaya tinawag ko yung isang kasamahan ko sa bahay at hiningi 'yung susi ng bahay sabay bilin na 'huwag mo ng i-lock ung itaas ha...', tapos umalis na kami. Nagulat kasi may dalang kotse yung barkada ko, naisip ko na baka kung san kame makarating nito eh nakashorts lang ako at nakatsinelas...pero buti naman at sa bahay lang pala ng barkada ko.

Matagal-tagal na din akong di nakakaupo sa isang inuman session kaya medyo alanganin ako na baka malasing ako. Kitang kita naman sa katawan ko kung gano lang karami ang kasya sa bodega ko... hehehe. Pero hayaan mo na, ngaun lang naman ulit mangyayari na magkasama-sama kami nitong mga 'to kaya ayos na rin. Namili na sila ng maiinom pati na rin chicha. Tapos ayun na, start na ung session.. as usual merong hiniram na gitara dahil pare-parehas naman kaming mahilig sa musik, at pag may inuman saken lagi nakatoka ang paggitara, kasi para daw ako yung musician dun sa movie na Titanic na kahit lumulubog na 'yung barko e tuloy pa din sa pagtugtog. Hehehe. Kaso matagal na akong alang praktis at di ko na rin alam mga hilig nila sa musik ngaun kaya nag-start nalang ako sa mga national anthem na paborito namin nung college.

Alas kwatro na ng madaling araw ng matapos 'yung session, hilo na ako, madaldal na din mga kasama ko. Maraming sekreto na ng ibang barkada namin ang nalaman ko, dahil sa mga kwento nila.. hehehe. Kaya ko pa naman kaso ayaw na nila so napagkasunduan nalang na bumili ng lugaw/goto dun sa paboritong naming kainan nung college. Habang hinihintay tuloy pa din yung kantahan. Nung dumating yung pagkain, kainan na agad at parang nahimasmasan na ata sila at biglang nagyaya na pumunta ng baywalk. So sumakay na kami sa kotse at nagpunta papuntang baywalk... bigla akong tinamaan ng antok habang bumabyahe kaya kahit mahilohilo e pumikit ako, namalayan ko nalang na pabalik na kami ng bahay. Nang nakabalik na ako ng bahay e pasikat na ang araw at gising na yung kasama ko sa bahay at naghahanda na maligo. Sa sobrang hilo ko eh di ko na siya pinansin pero nakuha ko pang mag-alarm kasi kelangan ko pumasok kasi may napangakuan ako na sasama ako maglaro sa kanila ng badminton. Zzzzzz...

Nag-alarm nga ako pero di ko naman namalayan na tumunog na pala yung alarm at nalobat na yung phone ko kaka-alarm sa sobrang antok! Nagising ako mga quarter to 10 ng umaga. Asteg! Sobrang sakit ng ulo ko. Pinilit ko bumangon, inayos ko yung dadalin ko para sa badminton game. Muntikan pa akong mahulog sa hagdan namen kasi sobrang saket na talaga ng ulo ko. In no time nakabihis na din ako,
lakpas 10 na, wala ng ep-eks sa Baltao, no choice ako kundi mag-taxi nalang, short pa naman ako sa budget.

Di ko talaga mapigilang mapapikit habang nagtatrabaho kaya panay ang labas ko, panay ang punta sa cr, nakakaramdam din kasi ako na parang nasusuka ako, naisip ko ngang sundutin nalang para bumuti yung pakiramdam ko. Pero lalo akong aantukin, kaya nanghingi nalang ako ng gamot sa sakit sa ulo, nagkape at baka sakaling mawala at matauhan ako. Hehehe. Di nga ako nakakain ng lunch kasi mas pinili kong matulog at wala din ako gana. First time kong matulog ng lunch dito sa opis kaya di ko alam kung anong posisyon ang gagawin ko.
Hehehe, pero nakatulog naman ako kahit pano. At medyo bumuti na ng konti yung pakiramdam ko.

'Yung tungkol sa badminton game... sa next entry nalang.. masyado na 'tong mahaba. May hang-over pa din ako.


Posted at 12:00 am by JetLogs
Poke my little bone here  

Monday, September 05, 2005
Feeling Sports Minded

Bright sunday morning.. I woke up barely after 6hrs of sleep. I checked out my phone just incase someone remembered to text me while i'm sleeping. But no one did, I just look for the time, geezz it's already past 10am even if I subtract the "grace period" of 37mins, I don't know why 37mins though, anyway, Ill set it up later. I just remembered that I haven't done my little clothes laundry, hmmm... maya nalang yun! Gusto ko magpapawis today, so I hurried up to fix myself, which can only take up to 10-30minutes, my college mates are already there at the Sheridan badminton court at Crossing (promote! promote!), we're scheduled to play every sunday. I took two rides to get there, when I arrived, they're already sweatin like Martin Nievara on one of his concerts.. hehehe. I changed to a more fitting costume to play, then i stretch a bit and started volleying the pitiful little thing with white feathers. The two-on-two match was fun! I often get stuck for a "drop/placing" and too slow to dive for it, several times I aim for a smash but missed it completely (loser!) and sometimes smashing it forcefully like it was an enemy but always end up outside the playing court (bionic arm!). I played four sets with rest/scorer intervals. (sitting up on top post like a lifeguard, head turning left and right and arranging the steel numbers with clunk!) Our playing time is over, i take a quick shower to release the trap heat inside my body. It was a good time! I also miss playing volleyball, sana one makapaglaro ulit ako soon! We decided to go to Megamall since we haven't had our lunch yet, on the way there, we met another old college mate, kamustahan tsutsu then paalaman dahil may imemeet daw cia. We ate at Greenwich, we we're thinking of iceskating after we eat kasi may libreng 1hr na tiket na binigay galing sa greenwich. Never pa ako nakapag-skates (iceskates/rollerblades) kaya i'm excited to try it! But di kami natuloy mag-skates, next week nalang daw para mas marami kami, sayang, pero di bale mag-bowling nalang daw kami. Siguro sa lakas at sa daming beses kong nag-smash kanina sa paglalaro ko ng badminton naramdaman ko na sumasakit na ung kanang braso ko. hehehe. adik kasi e! Hehehe. Pero di yun rason para di na ako makapaglaro ng bowling. Tagal ko na ring di nakakapaglaro nun e. I usually go bowling, mag-mall, mag-stay sa national bukstore on saturdays kahit ako lang mag-isa. Then after nun, uwian na! Pag dating ko sa bahay, pahinga ng konti, may last sport pa ako na lalaruin, ang maglaba! bow! Im so exhausted after doing everything those eactivities in one day but it was fun! Medyo nawala na ung bigat ng katawan ko after weeks of work. Nakatulog agad ako sa sobrang pagod...Pagkagising? Ang sakit ng buong katawan ko! But it's okay. Next week ulit!


 


Posted at 04:54 pm by JetLogs
Poke my little bone here  

Wednesday, August 31, 2005
Noong mga nakaraang linggo...

Gumising ako pero parang kulang. Parang may isang malaking butas sa sarili ko. Nakabangon na ako, nakapagligpit ng higaan ng di namamalayan at dahan dahang tumungo sa bakal na hagdanan pababa pero bakit ganon parang kulang pa din? Nakaligo na ako at nasa harap na ako ng salamin pero parang blanko ang ekspresyon ng sarili ko. Anong nangyayari? Naglakad na ako palabas ng eskinita namin, nakayuko, naglakad ng mga sampung minuto patungo sa sakayan ng ep-eks, di alintana ang mga taong nakakasalubong, mga sasakyan madalas bumusina at magtawag ng pasahero. Nakaupo na ako sa ep-eks, nakatitig sa harapan ng sasakyan pero parang tumatagos ang pagkakatitig ko sa kung anong bagay na tinitignan ko. May mga taong nagpapaabot ng bayad at sukli pero ni hindi ko man lang tinignan kung kanino ko naiabot. Parang may sariling utak na ang kamay ko sa paggawa nun. Dumating ako ng opisina, naupo, humarap sa kwadradong salamin at nagsimulang pumindot ng pumindot ng mga letra. Ngunit bakit parang kulang pa rin? Parang nasa ibang dimensyon pa ang sarili ko at nagkukumahog na bumalik at humabol sa daigdig ng reyalidad. San ako patungo? Bakit ganito? Oras na ng pagkain, wala akong gana o di ko lang malalasahan ang kakainin ko, patuloy pa rin sa pagpindot ang aking mga daliri at paggalaw ng kaliwa't kanan ang aking mga mata na may kasamang paminsan minsang pagkamot/pitik sa ulo/pisngi ko. Ang tagal makarating ng nawawalang diwa ko. Asan ka na ba? Parating ka na ba? Bilisan mo naman at mahirap ang ganito! Nakakapagod mag-antay at magsayang ng lakas kung nararamdamang kong may kulang pa din sakin o walang nakakaintindi sakin. Na kahit tarakan pa ako ngaun ng patalim sa katawan eh hindi ko 'to mararamdaman. Wala na ba akong pakialam? O mas pinili kong wag nalang pakiramdaman ang mga bagay na 'to? Ewan ko ba! Gabi na pala, umuwing mag-isa ang nakasanayan ko, sumakay ng dyip, sumandal at ipikit ang mata na waring pinapahinga ang isip at katawan. Pero sa pagkakapikit ko maraming bagay pa rin ang sumasagi sa madilim na palagid ko. Bakit ganon? Parang may kulang? Nasa bahay na ulit ako, nakasandal sa pader habang naglulunoy ang mga mata sa panunuod ng telebisyon. Tulog na mga kasama ko sa bahay pero patuloy pa ding nakadilat ang mga mata ko, nakahiga, nakatanaw sa mga artipisyal na bituin at buwan, naghihintay na tuluyan ng gapuin ng antok ang mga bagay na pilit na naghahabulan sa isip ko. Ano pa ba ang kulang? Sana bukas masagot ko na 'to. Sana paggising ko, kasama ko na sa pagbangon ang diwa at anino ko, nang kahit papano ay di ko na maramdamang nag-iisa ako. Nang may tumulak sakin para maging makabuluhan ang bawat paghinga ko at...ah..er... opppsss! Direk, ano ulit yung kasunod na linya?! Take 2 from the top, sabi ni direk. Hay... mahirap ang ganito, paulit-ulit.
Sana bukas may pagbabago na.

Posted at 12:00 am by JetLogs
Poke my little bone here  

Friday, August 19, 2005
NO Actions Required

I miss you
Our restless exchange of words
White lies I made to walk/see you safe
Early morning 'ask me' things
Being quiet when Im with you
Yeah, yeah i miss it!

I dont wanna make you feel uncomfortable.
You dont have to do anything.
It's just me thinking out loud. 

'And as you read my words out loud
Make me sound genuis
Make me sound special
And maybe i'll come down'

- maria mena*

*special thanks to kaykay for introducing me to her music. astig!

 

 


Posted at 12:13 pm by JetLogs
Poke my little bone here  

Friday, August 05, 2005
look straight into my eyes


I walk a lonely road
The only one that I have ever known
Don’t know where it goes
But it’s home to me and I walk alone

I walk this empty street
On the Boulevard of Broken Dreams
Where the city sleeps
and I’m the only one and I walk alone

I walk alone
I walk alone

I walk alone
I walk a…

My shadow’s the only one that walks beside me
My shallow heart’s the only thing that’s beating
Sometimes I wish someone out there will find me
‘Til then I walk alone

Ah-ah, Ah-ah, Ah-ah, Aaah-ah,
Ah-ah, Ah-ah, Ah-ah

I’m walking down the line
That divides me somewhere in my mind
On the border line
Of the edge and where I walk alone

Read between the lines
What’s f*cked up and everything’s alright
Check my vital signs
To know I’m still alive and I walk alone

I walk alone
I walk alone

I walk alone
I walk a…

My shadow’s the only one that walks beside me
My shallow heart’s the only thing that’s beating
Sometimes I wish someone out there will find me
‘Til then I walk alone

Ah-ah, Ah-ah, Ah-ah, Aaah-ah
Ah-ah, Ah-ah

I walk alone
I walk a…

I walk this empty street
On the Boulevard of Broken Dreams
Where the city sleeps
And I’m the only one and I walk a…

My shadow’s the only one that walks beside me
My shallow heart’s the only thing that’s beating
Sometimes I wish someone out there will find me
‘Til then I walk alone..

sigh...


Posted at 09:46 pm by JetLogs
Poke my little bone here  

Sunday, July 24, 2005
Ready or not

Its already sunday morning.. early morning that is. I've just finished doing the laundry of my 'small' clothes and decided to stay up for awhile resting and eat some ice cream. It's been awhile since i wrote something here in this white draft and unlimited lines, maybe i should start from where i left off last time.

First up, Tatay's arrival.
- It was last last monday, july 11. Nanay texted me that I should accompany here to the airport para sunduin si tatay. His flight was set to arrive at 10 in the evening. This is the first time na susunduin namin siya ng gabi, kaya i keep asking her if i should get a hotel reservation kasi wala na silang masasakyan pauwi ng province ng ganon oras at ang sabi nya 'itanong mo nalang sa tatay mo pagdating nya.' Then ang usapan namin ng nanay ko e magkikita na lang kami sa bus terminal kasi galing pa siya ng Bataan so sabi ko cge ok lang but i forgot that we (the team) have a team building (movie night) set that day - were supposed to watch Fantastic Four, which is 4stars movie rating for me by the way - and the time were supposed to watch it was 6:30pm and would be finish around 8:15pm (so i said to myself it's okay coz Nanay will be at the terminal at around 8-8:30pm) but for some reason, i dont know what happen, we've missed it! So we have to choose another timeslot to watch it and they decided that we take the 7:15pm screening, so I agree knowing that my mother will be waiting for me at the terminal so I texted her that I will be late coz I have some 'meeting' to attend to (ang sama ko! sorry.) And she agreed naman that i'l be late, no choice naman siya eh. hehehe.

Anyways, this is my first movie night with the team so i decided to stick around and go on with the plan. Natapos na ung movie and my phone's inbox is full of messages from my mother asking where i am! hehehe. So i texted back that im on my way na. So ayun nga, nagkita na kami sa terminal (di naman ako pinagalitan) then nag-taxi na kami papuntang airport. When we got to the arrival holding area sa NaiA buti nalang at di pa dumadating ung flight na nasakyan ng tatay ko, kahit mga 10:45pm na kmi nakarating. Nung ARRIVED na ung status nung flight nya, I started scanning the faces of every person na dumadating (yun ang trabaho ko kaya ako sinama ni nanay.. hehehe) So ayun we finally saw him.. wearing his usual cap.. matching his aka.Lito Lapid attire and aka.FPJ's stance...He haven't saw us, so sabi ko kay Nanay na pumasok na siya as i noticed na there's sparkles in my mother's eyes. I smiled. She missed him so much more than we do!

Then, nagkita na kami, kamustahan and everything.. napagkasunduan na ding maghohotel nalang for tonight dahil pagod na rin siya sa byahe. SO we made to this hotel and do the check in thing, i wasn't allowed to stay there kasi 'pang-dalawahan' lang daw yun, so hinatid ko lang sila sa room nila then gave them instructions on what to do pag magchechekout na sila. i literally show them the area of the room like i was a room boy of that hotel explaining how things work there. hehehe. Laking probinsya kami e pasensya na. So it was my time to go home na din coz it's already 2'oclock in the morning na. I leave the hotel with my usual pasalubongs. I was happy that he came home safe and he's here with us again. Hopefully this will be that last time na susunduin namin siya sa airport.

Author's note: To make the record straight, Im not married...Im not engaged either...Dont have a girlfriend either. Im just me, alone. But to my father's bosses back there, I am married. Hehehe.

Second part, HArry Potter fever.
- Juy 16, saturday, was the released of the much awaited sequel of the Harry Potter series - Harry Potter and the Half-Blood Prince - as you all know. I was set to come home to our province that weekend, but im just too excited to get my hands with the new HP book so I decided (As if anybody could stop me that time! No one tried though.) that I should drop by at the MSE office to collect my book. So i wake up early and I arrived around 9:30am (the cut-off was 10am by the way) at the office and hurriedly, walking straightly to the concierge and there I saw it's thick white pages, moss-green cover with the familiar fonts! I was clearly focused on the book and not noticing that Keysi and Beegee was also there collecting their books and Keysi was saying something to me but i didnt hear it. Hehehe. Completely undistracted! Dumbfounded! Then as reality strikes me, i signed up the form and greet Keysi and Beegee a good morning. It was certainly a very good morning! I didnt think my day will be dull now that I have my copy of the latest book. Hehehe. I went to my cube after to seperate and leave the moss-green cover in my bin para di malukot kasi ilalagay ko sa backpack ko ung book.

After re-arranging the contents of my backpack i decided to go to Glorietta coz the night before the book was released, I received a GentxT alert that the first 300 Gentxters to be at the venue will get a free HP bookmark and pocketnotebook so I say decided to check it out since i really have an intention to go to the mall to buy my ate her pasalubong. So i hurried coz it's already 10:05am but to my surpise the big store haven't opened yet, so I've waited, along with other people near the entrance and minutes later we were allowed to go inside. While im walking, i noticed that people are apparantly in a hurry, their footsteps are a bit faster than the usual, kids are running, shouting and laughing. Then as i came near the center of the mall, i hear a familiar, soft, unmistakenly a trademark music that was playing. So i also hurried to check it out for myself and there it was, a Harry Potter activity thing is going on. Complete with the costumes and broomsticks and so is the familiar places in the books duplicated as a booth. People are lining up to get their freebies, all ages, all Harry Potter fans! I lined up to and waited for my turn.. after 30+ minutes of waitng i got my freebies. I looked around the places and check all the booths there. It was nice to see that many people came up to the event.

Then i decided to leave the activity and get down to my real business there, to buy my Ate her clothes. She said she wants a green shirt at ako na ang bahala sa design. Though di pa naman ako pumapalpak sa pagpili ng mga design, i already asked someone where could i find good shirts/blouses (we've discussed also the difference between the two (shirt/blouse) but im still confused on why and what is/are the difference, anyway its a girl thing. Thanks kAykAy for putting some difference between the two! Ur d best! :-)) So as i walked and stream all the GIRLS shop that i saw along the way (which i reluctantly step inside to each store, nahihiya kasi ako.) finally, i decided to buy two green shirts (just incase she might not like the other) that is appealingly passed my design and color standards. Then i bought some cakes for my little cousins then im off to CCP port, where i will take the Ferry trip back to our province.

Author's excerpts: As the Ferry glides its way through calm water that afternoon, I can't help myself not to start reading my new book. Hehehe. Then by the time i step off the ferry, I already finished reading 5 chapters of the book. Then I arrived home. Kwentuhan and kamustahan with my family and cousins, I quietly go to my room and resume my halted reading of the book. I lasted until 1 o'clock in the morning when i decided to sleep. Then when I woke up i start reading again. Then I ate my lunch and get ready again coz im going back to manila, i decided to take the bus for a longer trip. Then, as you've guessed, i continue reading again kahit na medyo maalog paminsan minsan yung takbo ng bus. By the time I get back to my boarding house here in Manila, I only got 1 chapter left to read before I finished the book. Hehehe. Did i made an impression that i was really over excited to read the book? Hahaha. I am excited, really!

Well, this entry is a bit longer than i expected. It's 3 o'clock, sunday dawn. Time to sleep (about time anyways.).


Posted at 12:00 pm by JetLogs
Poke my little bone here  

Thursday, June 30, 2005
Soft return


"Kamusta na? Ayos pa ba? Eh kung hindi, kaya pa ba?"

<@> For the past 2 weeks I've been leaving office shockingly as early as 6:30pm (im surprise too!). What's happening to me??? Somebody help me! :P

<@> For the very first time naabutan ko ung 'green tea' na sineserve every monday morning! Not that I haven't had that particular green tea before (courtesy of a friend, thanks to you! Na-prove ko na kayang kong abutan at pumasok ng maaga ha.) but it's an improvement! Sus ang babaw ba?! Yaan nyo na, pagbigyan nyo na ako!

<@> For the past 2 weeks I've suffered on/off fever. :( Hirap ng walang nag-aalaga. Na-miss ko nanay ku.

<@> Tatay is set to come home this July, he's supposed to come home for good because he's been there since nasa elementary pa ako (he come home every 2 years or so and stay with us for a month), pero mukhang ayaw siyang payagan ng boss n'ya kasi wala daw makitang papalit s pwesto nya pag umalis siya (I feel very proud about it na ang laki ng pagpapahalaga/tiwala sa capabilities/service ng tatay ko ng employer nya abroad.) Pero ciempre gusto na rin ng tatay ko na umuwi dito tutal tapos na kaming mag-aral ng ate ko at may mga trabaho na din kami, kaya mabuting makapagpahinga naman siya kasama kami. Kaso yun nga mukhang ayaw siyang payagan, kaya naisip ng nanay ko na magpadala ako ng letter sa boss nya na kunwari e ikakasal na ako this month para mapilitan yung boss nya na payagan ng makauwi si tatay in time for my 'wedding'. hehehe. eh kanino naman ako 'ikakasal'? pambihira mahirap mag-isip kung sino. hehehe. di pa nga ako nakakagawa ng letter, malapit na ang 'wedding' ko. Help!

<@>1 year old na ako sa company last june 14. Wehehe. Marami na ring nangyari. Dami na ring memories mula sa pagkuha ng exam, nakakawindang na interview hanggang sa mga nangyari ngaung araw na'to. It's been a worthwhile journey. 

<@> Ang saya ko! Nakasama sa Top 20 ung entry ko sa DCN photo competition. Ang gaganda ng mga entry, nakakabilib!

<@> Sa lahat ng palaging nakakaalala, Salamat po.

"Gumagabi na
Ako’y uuwi na
Tapos na ang saya
Balik sa problema
At bukas ng umaga
Uulitin ko pa ba ang kahibangang ito
Sa tingin ko hindi na."


 


Posted at 10:12 pm by JetLogs
Poke my little bone her (1)  

Next Page